Header AD

header ads

Maraming Pilipino ang Nakikinabang sa BPO Industry

Maraming Pilipino ang Nakikinabang sa BPO Industry

Maraming Pilipino ang nagkaroon ng trabaho dahil sa call center agencies na naitatag sa Pilipinas. Ang pagsibol ng nasabing industriya ay hindi biglaan at hindi din naging madali.

Noong 1997, biglang bumagsak ang ekonomiya ng Pilipinas dahil sa Asian Financial Crisis. Nakaranas ang Pilipinas ng inflation. Nagtaasan ang mga bilihin, naging mahirap makahanap ng trabaho, at dumilim ang kinbukasan ng mga Pilipino.

Sa kabila ng mga problema na ating kinaharap noon, merong tao na nakakita ng magaling at epektibong paraan para solusyunan lahat ito. Iyon ay walang iba kung hindi si Manuel “Mar” Roxas II.

Bilang Secretary ng Department of Trade and Industry, inilunsad niya ang “Make IT Philippines” na isang stratehiya upang  makakuha ang gobyerno ng mga investments at resources mula sa iba’t ibang bansa upang magtatag ng Information Technology Industry. Maraming mga foreign firms ang nagpunta sa ating bansa upang simulan ang pagusbong ng iba’t ibang mga call centers. Ngayon, isa tayo sa mga nangunguna sa BPO industry sa buong mundo.

Kung nagawa nating paunlarin ang BPO industry, kayang-kaya din natin itong gawin para sa iba pang sektor. Kinakailangan lang natin uli ng isang magaling, matalino, at mahusay na lider.

Sources:
-https://www.kalibrr.com/advice/2015/06/a-look-back-8-people-who-helped-build-the-philippine-bpo-industry
-https://www.rappler.com/brandrap/stories/98207-bpo-philippines-timeline

Maraming Pilipino ang Nakikinabang sa BPO Industry Maraming Pilipino ang Nakikinabang sa BPO Industry Reviewed by TNS Correspondent on Monday, October 15, 2018 Rating: 5

No comments

Post AD

home ads