Header AD

header ads

Then and Now: Goods Pa Ba ang mga Goods na Binibili Natin?

Then and Now: Goods Pa Ba ang mga Goods na Binibili Natin?

Napakaraming memes ang umiikot tungkol sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin lalung-lalo na ang sili na umabot sa halagang isang libo kada kilo o dalawpang piso sa kada isang piraso. Nagkaroon ng mga biro pang mayaman na lang daw ito at pwede nang pambayad para sa mga bilihin.

Hindi naman ganoon ang presyo ng sili noon. Hindi rin naman ganun kataas ang mga bilihin noon. Dati, napakarami nang pwedeng mabili na iba’t ibang ingredients — alive and kicking ang “Palengkenomics”. Merong tamang presyo na nakapartner sa tamang timbang ng bilihin. Merong sumusuporta sa mga may pwesto at nagbebenta sa palengke. Matatandaan din natin na may mga palengke ng bayan din.

Ang nagsulong ng lahat ng mga ito ay si Manuel “Mar” Roxas II. Ito ang naging dahilan kung bakit siya binansagan ng mga Pilipino bilang Mr. Palengke. Ang mga lola and tita natin na mahilig magluto, love na love ang panahon noon dahil sa iba’t ibang batas na naisulong ni Mar Roxas.

Nakakamiss naman pala na masaya mag visit sa palengke dati kasi goods pa ang mga bilihing goods noon. Ngayon, sobrang nakakaBV na sa taas ng mga presyo.

Mr. Palengke saan ka na? We need you!

Sources:
https://www.senate.gov.ph/senators/sen_bio/roxas_bio.asp
https://www.rappler.com/nation/politics/elections/2016/102478-mr-palengke-mar-roxas-bukidnon
Then and Now: Goods Pa Ba ang mga Goods na Binibili Natin? Then and Now: Goods Pa Ba ang mga Goods na Binibili Natin? Reviewed by TNS Correspondent on Monday, October 15, 2018 Rating: 5

No comments

Post AD

home ads